Sunday, September 1, 2013

Salaminate


by Dominic Echiverri

No it's no secret that all of us are angry in one way or another. But they fall in different degrees.
To bring the best out of this note, I find it's best that I say it in Filipino. As Father Ferriols said about philosophizing in Filipino, "It's more effective."

Alam mo yung ikaw yung "masayahin" o "palatrip" na tao sa mga kaibigan mo? Siguro natural kang ganyan. At magandang isipin na sadyang napunta sa'yo ang pagpansin ng tao na para bang wala kang problema sa mundo. At siguro nga wala kang problema, pero sadyang galit ka lang na tao.

"Angsty" sa Ingles.

Siguro ito ay dahil nanggagaling ito sa taong galit lang talaga. Parang pampigil lang siya talaga ng galit. Halimbawa, alam mong may mga karanasan kang nalampasan o dinadaraanan at alam mong galit ka, pero dahil sa tuwa mo lang at kasama mo mga kaibigan mo o ibang tao eh nagpapadala ka na lang sa tuwa. Kaya siguro kung ayaw mong magpakamatay at gusto mong masaya ang dating sa buhay, bababad ka sa samahan ng mga kaibigan o kapamilya o sa isang masayahing lugar o kaganapan. Hindi naman ito agad-agaran na masasabing perpektong katotohanan kung ibabase lamang sa mga istatistiko, pero mas maraming nagpapakamatay sa Europa kesa sa Pilipinas. Bukod siguro sa klima, e kapag namatay ka, maglalaro lang ng baraha at mag-iinuman ang mga katropa mo sa lamay mo. Katuwaan pa rin; wala man lang pakinabang ang pagiging melodramatiko mo sa pagiging emo mo.

Kaya lumalabas ang isang problematiko, isang ideya, isang kabalintunaan: tayo ba ay masaya dahil ayaw nating magalit? Mas nagiging galit ba tayo sa loob habang sa panlabas o sa kamalayan natin eh masaya tayo? Ika nga nila: ang mga masiyahing tao ay may kinikimkim na sakit o pagdusa. Hindi ko naman sinasabing otomatiko at tiyak itong totoo, dahil wala naman akong kinikimkim na sakit o pagdusa. Pero may mga kinaiinisan ako. Tulad mo, Janet Napoles, mamatay ka nang baboy ka pagkatapos kang mahanap ng taumbayan. At ang mga kasing-dumi rin ni Janet na mga tamad dyan na hindi naman nakikibaka sa pagbabago o sa pagsalita sa mga isyu ng bansa pero kung magsalita, akala mo mga political analyst. Manood na lang kayo ng Chicser concert sa SM na malapit sa inyo.

Siguro dapat kausapin minsan ang sarili, o magbalik-tanaw, o pag-isipan ang sarili. O di kaya'y magsalamin. Oo, magsalamin. Yung ginagawa mo sa kuwarto o sa banyo para tignan ang itsura mo. Ngayon lalimin natin. Magsalamin, tignan ang itsura't magtanong: ano na ba ako, sino na ba ako, at ako ba ay ako?
Sabi ni Socrates "An unreflected life is not worth living". "Walang kwenta ang buhay na hindi napagsalaminan" ang aking pagsalin rito, gamit ang salitang "pananalamin". O sa Ingles na gagamitin ko, "Life must be salaminated".

Dahil may iPhone at may mga ibang kagamitang elektroniko, para bang lalong napabilis ang buhay nating lahat. Ngunit, sa ibang pagkakataon, tulad ngayon at may sakit ako at bukod sa pag-aaral at pagtulog nararamdaman ko ang BAGAL ng buhay. Napapaisip ako sa mga bagay-bagay tulad ng narating ko pagkatapos ng tatlong taon sa kolehiyo: pwede pa ba kaya akong magkaroon ng Karangalang Latino sa pagtatapos? Hindi ko pa nasasabi kay **** magmula nang sophomore year na crush ko siya, at kung alam lang niya, may isang taong tunay na nais na alagaan at mahalin siya. At sa pagtapos ng lahat sa kolehiyo, ano nga ba ang gagawin ko? Maglo-Law School nga ako, pero pagkatapos nun, makakapagturo ba ako sa Ateneo tulad ng ninanais ko? O tutuloy na ba ako sa Masters of Law? O sa wakas maaamin ko na ba kay **** na ever since college crush ko siya, at kung alam lang niya, may isang taong tunay na nais na alagaan at mahalin siya?

Siguro hindi ko maiisip na magsulat tungkol sa pananalamin kung hindi ako napanalamin, dahil sa sobrang bilis ng buhay ko sa araw-araw, hindi ako napapahinto ng halos kahit na ano puwera lang tulog, pagkain, o pagtulog muli.


Manalamin. In English, Salaminate.

2 comments:

  1. It's so funny that you used the term "Salaminate", it reminded me of Dr. Garcia's humor. Good points, I agree that you really have to look into yourself and reflect upon yourself. I also think that Michael Jackson's "Man in the Mirror" explains this message clearly. It's such an insightful song.It is a song about seeing yourself/reflecting upon yourself in order to change and be a bigger person.

    ReplyDelete
  2. Echie pagkakaroon ng mga salot sa lipunan tulad ni Napoles ay maaaring nakababanas pero buti na lang nandyan sila para malaman nating lahat kung ano ang masama. Bale, dumadali yung pagsalaminate natin kung alam natin kung ano yung tama at mali. Pero sana naman 'wag tularan ng mga tao yung mali.

    ReplyDelete